
Share ko lang..I'm very thankful kay
Lord sa buhay na patuloy na pinapahiram nya sa akin. Nito kasing Holy Thursday ako umuwi ng Bulacan from Pasig. Nagpasundo kay Best na kasama si Dakne. Ewan ko ba kung ano yung nagtulak sa akin na magpaandar ng motor na mag-isa. Pagkakain kasi namin ng lunch ay sumakay ako sa motor ni best at nag-akmang patakbuhin ito. Nandun ang susi kaya habang naka-stand sya inistart ko. Nung una nga ay ayaw nyang mabuhay. Winarningan pa nga ako ni Kuya Demi na Santo-santo daw, malapit sa aksidente. Sobrang lakas ng loob ko na patakbuhin ang motor hanggang sa nakalayo ako at nakarating sa tapat ng bahay nila Kuya Edgar na ginagawa. Tapos, habang nakahinto tinawag ni Bebe ang aking pansin at sinabi na mas magandang magpraktis sa motor na ginagamit ni Kuya Orlan dahil may clutch at kontrolado mo ang takbo. Matapos ang usapan namin na yun, ibinalik ko na ang focus ko sa pagpapatakbo ng motor. Nung nagbabaling na ako pabalik ay biglang na-outbalanced ang tayo ko dahil di pantay ang lupa na pinagpapapraktisan ko. Dahil walang ibang makakapitan kundi ang manibela, dun ako nakakapit sabay napihit ko ang silinyador na dapat ay iniiwasang biglang mapihit. Hindi ko na nakontrol ang motor at tumakbo ito ng mabilis kasama ako. Nahinto ito ng biglang sumalpok sa posteng ng ginagawang bahay nila Kuya Edgar. Tapos, dumating ang mga tumulong sa akin. May nagbuhat sa akin galing sa pagitan ng manibela at upuan. Napaupo kasi ako dun sa sobrang lakas ng impact. Medyo nagpass-out ako ng mga 15 segundo. Tapos narinig ko na tinatawag nila ang pangalan ko. Dun ako nagkamalay ulit. Sabi ko sa sarili sa isip lang "Roz kaya mo yan..bumangon ka nga dyan..." Kailangan kong ipakita at iparamdam sa kanila na ayos lang ako at hindi ako gaanong nasaktan kasi kapag ipinakita ko na mahina ako sila ang kauna-unahang maapektuhan. Ayaw ko din na mag-alala ang nanay sa akin. Alam mo ba ang ginawa ko para malaman nila na okay ako? Tinaas ko yung dalawang kamay ko sabay sigaw na "Huwag nyo akong alalahanin, Okey lang ako".. Sabay tayo, akbay kay Ate Annie at sabay sabing "Tol, pasensya ka na nasira ko yung motor nyo"...sabi nya "tange!ano ka ba?importante ikaw...okey ka lang ba talaga?" sabay susog si Best na "napapagawa yan yung buhay di na naibabalik. Ano ka ba motor lang yan, kayang-kaya namang ipaayos yan..."
Tapos sabay-sabay kaming umuwi sa bahay. Pero pinaandar ni Mark yung motor para malaman kung ano yung affected na parts. Nabasag ang ilaw sa unahan, ang tapalodo sa harapan basag din, nawala sa alignment ang manibela at kumakabig ito pakaliwa. Ganun kalakas ang impact nito sa pagbangga sa poste.
Sa akin naman, masasabi kong napakaswerte ko ng araw na iyon, dahil after the accident ako pa ang nagagamot sa sarili ko. Adik no? Naglagay ako ng alcohol at betadine sa mga gasgas ko. Niyeluhan ko ang mata na tumama sa side mirror para di mamaga. Parang wala lang, tinatawanan ko lang ang sakit ng mga pasa at bugbog sa aking katawan. Sabi nga nila dun sa amin napalakas daw talaga ng loob ko na kayang-kaya kong i-take yung mga ganung pangyayari. Sabi ko naman, kanino pa ba ako kukuha ng lakas ng loob kundi kay Lord at syempre sa sarili ko.
Pagkapos ng mga isang oras nagising si Kuya Orlan. Nagtatanong sya kung ano daw nangyari sa akin. Sabi nila iyan adik na matuto magmotor, naaksidente. Sabi ko tara, mas maganda daw yung motor mo pagpraktisan eh. Patol naman sya sa aya ko. Kinuha nya yung motor sabay sabing, tara tuturuan kita pero kaunti na lang ang gas nito. Sabi ko pakargahan natin. Tamang sakay ako sa harap at diniscuss nya yung basic yung clutch, siliyador, nuetral, primera,segunda, tersera, kwarta at kahalagan nito. At ang function ng silinyador at break. Tapos ako ang pinapagpipihit nya ng silinyador, medyo masakit pa yung kamay ko sa aksidente pero di ko sinabi kaya pagbalik sa bahay, sinabi na mabigat yung kamay ko sa silinyador, but part of it is true. Kailangan ko pang magpraktis ng mga ilang ulit para matuto.
Ito yung mga natutunan ko buhat sa aksidente which I can also apply sa aking pang-araw-araw na buhay:
1.
Focus - Kailangan focus ka sa ginawa mo. kahit may kumakausap sa iyo yung presence of mind mo andun pa din sa ginagawa mo.
2.
Dream - Mangarap ka at abutin yung pangarap na yun. Kung pangarap mong matuto, magpractice ka. Kailangang mag-effort ka.
3.
Practice - Sabi nga di ba? "PRACTICE MAKES PERFECT". So kung gusto at pursigido talaga kang matuto sa isang bagay, magpraktis ka. Magpraktis.
4.
Be Brave - Kailangan din na matapang kang harapin ang takot mo, at iovercome mo yun.
5.
Basic - Learn first the basic. One step at a time - Unti-unti lang. Mahirap kasi mag-aactual ka agad di mo pa nalalaman yung mga dapat mong tandaan.
6.
Self Confident - Kailangan din na confident ka sa sarili mo na magagawa mo yung pinapangarap mo.
7.
Ready - Kailangang handa ka sa mga maaring mangyari sa iyo habang inaabot mo yung dream mo na yun.
8.
Mentor - Kapag mag-aaral ka, wag mong kakalimutan ang mentor mo na isama, unless sabihin nya sa iyo na "sige kaya mo na yan, sanay ka na."
9.
Never give up - Once na naumpisahan mo tapusin mo ang laban. Walang susuko.
After two days, bumalik nga pala ako sa pinangyarihan ng aksidente. Ang bait talaga ni Bro (Jesus), binaling nya ang manibela para maiiwas ako sa mga nakaumang na mga makalawang na bakal na nakatago sa damo. Thanks Bro..
Sanay natuto ako sa karanasan kong ito..at kayo rin na makakabasa.