Monday, September 7, 2009

Matuto

Masakit kung itinutuwid
Pati kalooba'y magngingitngit,
Di ka makakangiti...
Nakakainsulto sa nagtutuwid.

Masakit sa kalooban
Tumatagos sa laman,
Sumisigaw ang kaibuturan
Ganyan ang nararamdaman.

Seryosohan ang laban
Matira ang matibay,
Tibay ng kalooban
Yan ang sandata d'yan.

Tanggapin ang sermon
Diyan ka magtitino,
Dito magsimula at matuto
Talagang minsan, kailangang mapalo.

Ayaw maging ganyan parati
Sa ganyan ayaw manatili,
Talagang di maganda ang laging sori
Pero saan magsisimula ng pagbawi?

Mithiin maging mahusay
Magmana sa gurong mahusay,
Husay na maaaring ipamuhay
Na madadala habambuhay.

Marahil di ako
Kasing husay mo,
Kaya nasasaktan ako.
Sa tuwing tinatama mo.

Di ko masasabi
Na ganito ako parati,
Sa totoo ayaw ko din
Na sa ganito manatili.

Papahubog ako, dahil gusto
Di man ako maging perpekto,
Importante ay natututo
At nakikita ang esensya dito.

1 comment:

Anonymous said...

Nice..
Natututo ka nang tumula..
Makata ka narin :D