Monday, November 5, 2018

Paano iaaccess/ioopen ang Ilcoin wallet ko?

1. Mag login sa email account kung saan mo inilagay na email ang backup mo.
 Itype sa search bar ang ILCOIN WEBWALLET o ILCOIN WALLET at pindutin ang search.













2. Kapag nakita na email na may iLcoin wallet iclick ito para maopen.












3. Idouble click ang URL. At hintayin na magload ang bagong TAB.











4. Itype ang password para maopen ang wallet.
5. Ganito ang makikita pagkalagay ng tamang password. 


















Kung may katanungan maari po kayong mag-email sa akin sa rozvargas@gmail.com or magtext sa mobile number 09434419213 o magchat sa aking fb account rozvargas...

Maraming salamat po.

Mabuhay tayong lahat.

REBOUND

Kapag nagmahal ka, wala kang alinlangan at duda. Buo ang tiwala. Parehas kayo ng nararamdaman, masaya kapag magkasama, halos ayaw nyo ng maghiwalay at halos ayaw nyo ng matapos ang panahon. Sabi nga ng iba,"maghihiwalay din kayo", "sasaktan ka lang nyan", hindi kayo bagay...wag mo ng ipilit. Yan ang mga salitang maririnig mo. Dahil mahal mo sya babalewalain mong lahat ng yan. Kasi Mahal mo siya. At naniniwala ka na sya na ang hinahanap mong makakasama mo sa buhay, sa habang-buhay.

Subalit, biglang nagbago ang lahat. Nagbago sya, ng pakikitungo, ng trato, ng ugali sa iyo, lagi syang naghahanap ng dahilan para masaktan ka (sa pakiramdam mo ah, sadya man o hindi), nagbago na sya ng tawag sa iyo, lagi ka nyang kinukumpara sa iba..Nawala na ang lambing at dating pag-aaruga. At ang masakit pa nito, lagi nyang sinasabi na hindi pala tayo nagjijibe.Hindi kayo swak. Pede naman kayong magkasama sa layunin at plano kahit hindi kayo magkasama..dahil hindi na kayo..In other words, humanap ka na ng iba. Sasabihin pa na ginamit mo lang sya, yung pakiramdam na wala kang nagawa sa kanya...Ang pinakamasakit pa nito, yung madalas kang ikumpara mga taong nanakit sa kanya. Yung pagdududahan ka sa mga aksyon na sya naman ang advance kung mag-isip. Mahilig mag-isip at gumawa ng ikagagalit nya.

Ang pinakamasakit pa nito, maararamdaman mo na sila na ulit ng taong nanakit sa kanya, na naging dahilan ng hirap at sakit na nagtulak sa kanya na mahalin ka nya. Yun pala ang tunay na dahilan ng pagbabago nya. Sa isang salita isa kang REBOUND.

Hindi naman dahil bitter ay magsusulat na ng ganito. Gusto lang maglabas ng nararamdaman ang aking kaibigan na nakahuntahan ko... :)