Wednesday, April 27, 2011

Tulala

Nais ko lang tumula
Magkaroon ng tugma
Ayoko ng matulala
Na kung tigna'y mukhang dukha.

Loob ko'y nais humiyaw
Upang boses ay umalingawngaw
Gusto ko na ring humataw
Pagurin ang sarili sa pagsayaw.

Walang malang-gawin
Ikaw sa isip ay nakabitin
Nais kang batiin
Paano kung di mo tugunin?

Puso ko'y nasasaktan
Ayaw ng muling masugatan
Kailan ka ba lilisan
Iwan mo na ako ng tuluyan.

Puso ko'y iibig muli
Pinakahihintay kong sandali
Hanggang sa pagkikitang muli
Dasal ko'y parehas tayong wagi.